Yung feeling na karibal mo Bestfriend mo. <///3
Yung tipong Super Crush sya ng taong pinakamamahal mo.
Yung tipong Super Crush sya ng taong pinakamamahal mo.
September- Seryosong tarantado. Yung alam mong siryoso sya pero may pagkagagong nalalaman.
- Oh, Ako na tarantado! HAHA
(via ohkayeshutup)
Since Nursery up to Grade 6 nag-aral ako sa Private school. And syempre Private may sariling mundo yung school namin. lol. Dahil nga parang since birth na ko sa private ang tingin ko dati sa PUBLIC SCHOOL; Loosers, Slow ang mga estudyante, Basta puro panlalait lang. Hanggang grade 6 dala dala ko yang thoughts na yan. So yung mama ko nung first year ako inenroll ako sa Public School which is sobrang kinainis ko. Then, 1st year up to 2nd year sa public nga ako nag aral, and then na realize ko MALI ako as in Sobrang mali yung nasa isip ko nung elem pa ko. Binalik ako sa ibang private school ngayong 3rd year. Gahhd! Na-hohome sick ako. Kasi iba talaga pag nasa public. Iba yung saya! Kasi iba’t ibang tao kasama mo. Mas madami magiging kaibigan mo. Ang saya pa lalo kung SECTION 1 ka. Sa turo, Dati sabi ko panget mag aral sa public kasi late sila eh. panget pa dun magturo. NAGKAMALI nanaman ako. Maganda ang pagtuturo sa public sobrang ganda. Lalo na ang mga teachers. Kasi sa public, Galing talaga sa DepEd yung books na sinusunod lang ng teachers. At ang mga teachers sa public, Board Passer. Basta pinagsisihan ko na inisip ko yun nung elem ako. Ang bad bad ko sobrang bad.
I consider her a Perfect Girl. Srsly ang perfect talaga nya para sakin. Maganda, Mabait, Matalino, Artistic, Sexy. Ano pa hahanapin mo sakanya? Grabe! Her boyfriend is so lucky for having her. If i were him, Di ko na pakakawalan tong babaeng to.
Sabi nila pag daw may bago kang P20.00. Papalitan daw ni Noynoy yun ng P150.00. Kasi daw mali spelling ng Malacañang. Yes mali nga kulang ng “G” Bale Malacañan lang yun. Pero totoo ba na papalitan ni Noynoy? Pano? Pupunta ka pa ng Malacañang para papalitan? LOL
Kaninang MAPE time namin. Absent yung favorite teacher namin. Kaya nag bantay samin yung walang kwentang adviser namin. Sabi nya gumawa daw kami ng tula. Buti na lang nakagawa ako. Inspired daw eh. HAHAHA. Choss~
So eto yung tula,
Ikaw Lamang
Maraming araw na nga ang nagdaan
Puso’y bihag padin ng nakaraan
Nakalipas ay kay sarap balikan
Aking mahal ika’y aking kailangan
Sa pagmamahal mo naging masaya,
Pagkawala namay lungkot ang nadama
Gumawa ng madaming paraan
Para pagmamahal malimutan
Ako’y nagtataka ika’y biglang nagbago,
Ikaw naman ay inibig ng buong puso
Kulang pa ba pagmamahal na inalay?
Kay sakit ng ika’y sakin humiwalay
Ikaw lamang ang nais ko
Sayo lamang masaya ako
Masakit man sa puso
Ikaw lamang mahal ko
Watcha think? First time ko kasing makagawa ng tula eh. Hehe. Sorry na!
Gumawa ako ng bagong Blog. Una. Di ko maayos yung isa kong blog. As in gusto ko na syang gawing organize pero di ko alam kung pano ko uumpisahan. Pangalawa. Kalahati ng followers ko kilala ako sa personal. Pano ako makakapag post ng secrets ko? Di ako makapag blog ng maayos kasi nakikita nila. Pangatlo. Reblog ako ng reblog dun. Pero dito pipilitin kong puro text post lang. Gagawin ko tong tunay na BLOG. Pang-apat. Gusto ko, Gusto ko at Gusto ko.Bakit?